TRAIN Law: To Bolt or To Halt?

The start of the New Year also marked the start of a new law – the RA No. 10963 otherwise known as the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

They say, “You cannot have your cake and eat it too.” This adage is somehow similar to the implementation of the TRAIN Law. The law aims to fund infrastructures, education, social protection, health, housing, and at the same time to make tax compliance simpler by increasing the citizens’ certain passive incomes, documents, and excise tax on sugar-sweetened beverages, cigarettes, automobiles, minerals, and petroleum products. Despite the tax-increase in certain products/services, the TRAIN Law however, decreases the tax on personal income, estate, and donation. Under the TRAIN Law, if you are a worker with an annual salary of P250,000, you will be exempted from tax. Tax exemption also includes the employees’ mandated 13th month bonus as well as other bonuses. However, tax exemptions are removed on Lotto winnings and cosmetic surgeries that are for aesthetic purposes only.

Given that the taxes on certain products/services are increased, many citizens complain about some of the issuances of the law. For some, the TRAIN Law is ‘anti-poor’ as the increase in taxes greatly affects the people’s everyday living in a negative way. With this issue, the government promised to help poor families by giving them P200 monthly to alleviate their expenses. Still, many argue that P200 is not enough to help pay for their transportation, food, and other necessities for a month.

In the face of price increase and resources’ scarcity, doubts about the efficiency of TRAIN Law can be heard as we will all see how our taxes increase every year until we achieve the law’s goal of making the 70% of it to building of infrastructures and the other 30% to health, security, and housing. Are we all willing to ‘suffer’ for now in order to gain more tomorrow or are we going to settle for what we have practiced for so long? Are we helping our country to bolt or are we putting it to a halt? The choice will always be ours.

The government usually puts my weight on what is good for its people. This time, it seems that the too much weight adds up to the burden of the Filipinos who have been in constant battle with economic measures to attain sustainable life for many years.

Laws are made to make life easy to deal with. But when economic cushions are forgotten and when the government just looks on to economic gains where the poor will be the ones to sacrifice the most, then problems arise.

It may stop the poor from consuming what is due them to live self -sufficiently. But after few years, they will experience the gains.

Indeed, the poor are are the forefront of everything. They are heroes. If these heroes bolt in, they will accelerate the train without limits.


The 5 Best Life Lessons I Have Learned As A 15-Year Old Boy

Here are some of the lessons I have learned when I was 15:

Don’t be shy; never miss opportunities

I learned that shyness won’t take you anywhere. It will always hinder you from grabbing opportunities. So, don’t be shy or you will always end up regretting things and thinking how you could have done them better if you learned earlier how to overcome shyness and anxiety. Never be afraid to try something new and never let opportunities pass. Conquer yourself rather than the world.

Accept failures; learn from them

I learned that you can’t always be right, you can’t always be the one to win, and things don’t always go on your way. There will always be a time when failures and struggles will come. The important thing is that you won’t let them get into you and that you should learn from them. They say, “Sometimes when things are falling apart, they may actually be falling into place”

Value relationships; be kind

Oftentimes, the world distracts us that we no longer get to spend quality time with our family and friends. We are distracted to the point where we forget to value relationships. Be kind; share your time with them or you will lose them. Be kind to others and learn to communicate. Appreciate the things that you have, and never dwell on unimportant things.

Be patient in everything; don’t lose your cool

Avoid getting into fights. Your tongue is powerful. Control your temper and don’t stress yourself too much. We may not achieve our goals in a blink of an eye but we will get them eventually. The important thing is we never stop trying, risking, asking, and practicing. Never quit. You will not know how close you are to reaching your goals.

Trust God; never lose faith

“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding.”

God loves to answer our prayers. We might not get exactly what we want but He has always something greater in store for us. He knows what’s best for us. We must surrender to His plans because we’re meant to rest in God’s understanding and by that, we must always put Him first, listen to Him, and walk in His path.



#spokenwordspoetry #poetry

[I wrote this for a friend]


ni Eloi Aladeza, 2016

Sa biglaan mong paglisan

ay tanging mga tanong ang naiwan

na kahit minsan ay hindi nabigyang daan upang masagot mo man lang

Mahal, sakaling makita, makausap, mayakap kitang muli, hindi ko na babanggitin ang mga tanong na inaaasahan mong marinig mula sa aking mga labi

Hindi ko na itatanong kung bakit mo ako iniwan, kung masaya ka ba sa kanya o kung masaya lang ang mga taong nasa paligid ninyong dalawa,

kung bakit hindi mo ako nahintay o kung bakit mo pinasok yan at kung makakalabas ka pa ba

Ang itatanong ko lang sayo ay ang isang bakit na sinundan pa ng maraming bakit.


“Bakit hindi ka nagtiwala?”

Bakit hindi ka nagtiwala sa akin?

Bakit hindi ka nagtiwala na kaya kong gawin, pasukin, at pagtibayin?

Bakit hindi ka nagtiwala sa mga plano ko?

Bakit hindi ka nagtiwala na ikaw lang ang nasa puso ko?

Bakit hindi ka nagtiwala na totoo itong nararamdaman ko? Na hindi ito mababaw at isa lamang biro?

At bakit?

Bakit hindi ka nagtiwala sa atin?

Bakit hindi ka nagtiwala?

Kaya ngayon ang “tayo” ay naging “kayo” na,

yung dating “tayo” ay “ako” na lang…

Ako, na tinatanaw kayo mula sa malayo, habang ang mga palad niya ay nasa kamay at bewang mo,

mga parteng dati’y ako lang ang humahaplos,

mga sulok ng katawan mong akin nang nakabisado ay nadadapuan na ng “mahal” mong bago!

Ang mga kwento at tawa mong musika sa tenga ko ay ipinaririnig mo na rin sa kanya, ang mga ngiti at titig mong sa akin lang dapat ay namamasdan na niya

Bakit hindi ka nagtiwala?

Bakit hindi ka nagtiwala na minamahal kita higit pa sa ipaparamdam sa’yo ng iba?

Dahil ang mga materyal na bagay na ‘yan ay mawawala rin, ang mga pambobola at pagpapakilig niya ay lilipas rin,

ngunit ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi kukupas, mawawaglit, bagkus ay lalo pang pagpapalain

Bakit hindi ka nagtiwala na kaya natin?

Bakit hindi ka nagtiwala sa akin?

Dahil alam kong ang mga kwento at tawa mo lang ang kanyang naririnig, alam kong hindi niya naririnig ang kulay at tamis ng mga kwento at tawa mo, hindi niya naririnig ang mga pangako ng habambuhay sa mga ito

Naririnig kita.

Ang mga ngiti at titig mo lang ang kanyang nakikita, hindi niya nakikita ang pangangailangan mo ng haplos at lambing, hindi niya nakikita ang pangangailangan mo ng yakap at init, hindi niya nakikita ang bata sa mga mata mo, ang mga kulay nito, hindi niya nakikita ang epekto nito.

Nakikita kita.

Pero bakit hindi ka nagtiwala?


#spokenwordspoetry #poetry

[I performed this piece of mine during the talent presentation of the Most Outstanding Students of 2017 at Muntinlupa City]


ni Eloi Aladeza, 2017

Ang hirap mong mahalin

ang hirap mong intindihin

naguguluhan na ako sa’yo

‘di ko na alam kung paano…

Kung paano ka matatalo

sa larong sinimulan mo,

sa larong ikaw lagi ang panalo,

ang larong iyong paborito:

Ang sa piling ko’y lumayo

na kahit ilang beses kitang hilahin papunta rito

ay patuloy ka pa rin sa pagtakbo

‘di ko na alam kung anong nasa isip mo,

kung anong nararamdaman mo,

kung bakit pa ba ako nandito

at hawak hawak ang kamay mo

para pigilan ka sa paglayo

Dahil ang totoo,

di ko na alam kung saan ako lulugar

o kung may lugar pa nga ba ako

d’yan sa puso mo…

kung tama pa bang itapak

ang mga paa ko sa tabi mo,

kung okay pa bang

ikulong ka sa mga yakap ko

at kung tama pa bang makinig ako sa mga kasinungalingan mo

o kung kaya ko pa ba ang mga “Salamat” mo sa mga “I love you” ko,

dahil hindi naman talaga tayo dating ganito


mayroon ka pang “Hi” sa aking “Hello”,

may “I love you” at “I love you too”,

mayroon pa ngang “I love you three”, “I love you four, I love you forever”

Alam kong gasgas na ang mga linyang ibinabato natin noon pero mas okay na kaysa sa tayo ngayon

Pero kahit ganito…

ay natatakot pa rin ako

natatakot akong sumuko

dahil baka sa pagsuko ko ay ang siya namang paglaban mo

natatakot ako na baka hindi tayo magtagpo.

kaya’t pasensya na kung ipinipilit ko pa

ang puso kong masakit na

sa puso mong manhid na

pasensya na kung hindi ko kaya

na maniwala na wala na talaga

pasensya na kung hindi ako nakinig

noong sinabi mong kailangan ko nang umalis

na hindi mo na ako kailangan sa’yong tabi

na gusto mo nang kumawala sa mga yakap ko

dahil pakiramdam mo, kinukulong kita

pasensya na dahil hindi ko alam

hindi ako nasabihan

na posible pala ang lahat

‘yong akala kong masaya na

ay hindi pa pala

posible pala…

posible palang ang taong nagpapasaya sayo ang siya ring magpapaluha sayo

posible pa lang ang taong kinakapitan mo ang siya ring bibitiw sa’yo

posible pa lang ang taong yumayakap sayo ay siya ring tutulak sa’yo

posible palang ang taong bumubuo sayo ang siya ring dudurog sa’yo

dudurog sayo.

Dudurugin ka sa milyong piraso hanggang maski sarili mo’y hindi mo na malitrato

Pasensya na kung pinilit kong may bulag bulagan

dahil hindi ko kayang tignan ka na may ibang kayakapan

pasensya na talaga dahil hindi ko kaya na wala ka

sa aking mundo

na ngayon ay gumuho na

dahil mahirap ka…

mahirap kang mahalin, mahirap kang intindihin

pero sa lahat ng “mahirap ka” ay ito ang ‘di ko kayang alisin

na kahit ilang libong beses kong tangkain

ay ‘di ko pa rin kayang gawin,

kaya ayaw ko nang subukan

dahil wala rin namang patutunguhan

dahil mahirap ka,

mahirap kang iwan.

Gadget Dependency: A Current State of 21st Century Youth?

The beginning of the 21st Century also marked the start of revolutionary technology. Modern televisions, computer, video game consoles, and smart phones escalated the attention of the people especially the youth.

In the present day, technology has been useful to the youth and their education. Making projects and doing homeworks and tasks have been easy to do; just a few clicks on the web and you’re done. Anyone can do a research about someone or something with no sweat. Gadgets can keep teens entertained and kids quiet.

Gadgets play various roles on students. Some people see gadgets as status symbols; some needs them to avoid social interactions. They are also a lot easier to use to gather information or to jot down notes that they are often used in classrooms.

Agree, people of all ages benefit from them. Gadgets have been a tool for learning and entertainment. But the thing is, gadgets steal the sincere and healthy communication with loved ones, the values of family relations and the value of education to the youth.

The students tend to make use of gadgets more than their intended purpose. Study shows that young aduts spend an average time of more than 6 hours per day in front of gadgets. It is awful to know that kids expertly know how to operate gadgets more than doing basic algebra or even washing the dishes.

Gadgets are too easy to use that the students depend on them. Instead of using them for educational purposes, it results to poor academic performance. It is ironic to use things for a benefit of something good but bears fruits of its downside.

The youth must overcome the Gadget Dependency before it’s too late. Spend time on more important things. It is better to see the faces of your loved ones and your diploma than the screen of your future probable dilemma.


#spokenwordspoetry #poetry


ni Eloi Aladeza, 2016

Oras, panahon, tadhana

at lahat ng nakapalibot sa’ting dal’wa

ay nagkaisa upang ang isa

ay maging dalawa,

upang maghiwalay

tayong dalawa



ang sitwasyon nating tila

nawalan ng pag-asa

Pag-ibig na hindi pinayagan ng panahon at pagkakataon,

walang ibang nagawa kundi lumimot at sa iba’y ituon ang atensyon

Pero ikaw ang unang lumimot…

Ikaw ang nanalo

Ikaw ang sumaya

sa piling ng iba

habang ako ay nandito’t nag-iisa

Ikaw ay yumayabong habang ako’y nauupos

Ikaw ay sumasaya habang ang puso ko’y nagpupuyos

Ikaw ay sa kanya na at ang luha ko’y di maubos-ubos

Ang puso ko’y nagliliyab at tila sinisilaban,

umaasang mapipigilan ang nalalapit nitong pagkatupok

ng mga luhang nag-uunahang tumakas sa mga matang pagod na sa pagkulong sa mga ito

Tanggap ko na!

Tanggap ko…

Tanggap ko na ang mga puso nating minsa’y pinagkaisa

ay pinagkaisahan…

ng oras, panahon, at tadhana…

tayong dalawa ay wala na


#spokenwordspoetry #poetry


ni Eloi Aladeza, 2016

Naranasan mo na bang magsugal?

Yung tataya ka para sa kapalit na inaasam?

Noong bata ako’y kara krus lang ay masaya na

Ngunit ngayon..

naisip ko: hindi lang ‘to basta sugal

dahil… ako lang naman ang nagmamahal.

Pero mahal, susugal ako

kahit nakataya itong puso

dahil lahat gagawin ko

basta’t para sayo

at sa puso mong inaasam-asam

handa ako… handa akong lumaban

At nang dumating na ang hinihintay

ako’y iyong nakita

binusog mo ang mga mata ko

ng iyong mga ngiting kay tamis

mga mata mong kay sarap tumitig

mga yakap mong kay init..

bilanggo na ako ng puso mo mahal

pero teka lang, sabi mo’y kayraming hadlang!

Bakit mo ako tinalikuran, mahal?

Samahan mo akong lumaban…

sabay naman tayong lumaban,

huwag mo naman akong iwan

Pero hindi ka lumingon

o tumigil man lamang

‘di ko alam kung ako pa’y makakabangon

dahil mahal…

iniwan mo akong mag-isa

Mahal napapagod din ako,

pagod na akong maghintay at umasa

pagod na pagod…

pero mahal, sa huling pagkakataon, susugal ako


dahil baka sakali lang naman,

baka sakaling lumaban ka kasama ko

pero binibigo na ako ng aking mga tuhod

at ang puso ko’y halos hindi na tumibok

panahon na ba para sumuko?

Pero… mahal,

natatakot akong sumuko

dahil baka sa pagsuko ko ay ang siya namang paglaban mo

natatakot ako na baka hindi tayo magtagpo,

kaya hawakan mo ang kamay ko

sabay tayong lumaban

sabay tayo…

pero… wala nga palang tayo

Nakakatawa. Tayo?

‘Yan ang nagbigay pag-asa na hindi ako nag-iisa

na… kasama kita

pero ako lang eh,

ako lang yung nandito

walang ikaw

walang tayo

kahit kailan hindi nagkaroon ng tayo

pinasaya mo lang ako,

pinaasa mo lang pala ako

Paano naman ako?

Mahal akayin mo naman ako

pero muli, tinalikuran mo ako

winasak mo nanaman ako

Naisip ko:

Sana hindi na ako tumaya

Buo pa sana ako ngayon at masaya

teka… masaya nga ba?

Sasaya ba ako nang wala ka?

Nang wala ang matatamis mong ngiti na ngayon ay naglaho na?

Ang mga mata mong kay sarap tumitig na ngayo’y di na ako magawaran ng kahit isang tingin man lang?

Ang mga yakap mong kay init na kahit ang apoy ay nagmimistulang walang dalit?

Pero buti na lang at sumugal ako

nagmahal man ako at nasaktan,

umasa at natalo

nabuo at natuto naman

hindi ako nakulong

sa mga salitang “sana”

at “paano kung”

dahil sumugal ako sayo, mahal

at kung babalikan mo man ako

sinasabi ko sa’yo, mahal

handa pa rin akong sumugal.